Monday, April 17, 2006
bakit nga ba galit sa akin ang kalsada?
kawawang bata. leyt ka na naman. 8n.u. pasok mo, akala mo 9. isang oras ba namang nahuli?! anu ba yan. ..pero pang-anim na klase na ito ha.. 14 pa! ..sa ngaun, 3 oras na ang nasasayang ko (di kasama yung diagnostic test)... 'wag mo namang isawalang-bahala ang napakalaking halaga na ginastos mo para sa 'review' na yan...nagkaroon ka na nga ng isang linggong pahinga... kaagaaga ngang gumising, 5n.u.! pero nahuli pa rin. bakit ba 'di malagay sa sistema mo na 8n.u. ang pasok mo sa LSC?! ay ewan ko sa'yo...
..alam ko naman yan eh. alam mo, naisip ko. anghirap na pagtungtong ko sa kalsada. akala niya hindi ako nabubuhay sa mundo. kinamumuhian niya ata ako eh. ni hindi kami biniyayaan ng anak na kotse o kahit anong sasakyan. yung iba niyang mga anak anghirap hagilapin! yung mga 'fx' hindi ako pinapansin, pinagkakaguluhan kasi ng tao. yung mga taksi, kurap. yung mga dyip naman, para bang sinasadyang maging napakabagal tuwing nakasakay ako. lalo pa itong kakambal niyang trapiko, galit na galit sa akin. hindi kami nagkakasundo niyan!
...magkakakontsaba silang lahat! parati na lang ako'ng pinagdidiskitahan... kung ganyan sila, e di galit na rin ako sa kanila! galit ako! leche..
...pero di ko naman sila pupwedeng ipagtabuyan. papaano ako makakarating sa patutunguhan ko? mahika? kailangan ko lang silang tanggapin. kailangan ko ring magkaroon ng disiplina sa oras. bahagi iyan ng buhay. ..hay buhay..
-o-
ano to??3:40 PM
<- back to entry^_^
*-----.o(=3)-----*