Monday, March 16, 2009
Featuring Kamote. . .
~~Hahaha. chobang paper ko 'to 1st yr 2nd sem sa Komunikasyon 1, kay Sir Alwin Aguirre.:) Nakakatawa lang. XD Sikat ba ang kamote?? wala lang...Madalas mo bang marinig ang salitang “kamote”? Siguro madalas ay may naglalakong mga bata o matatanda, dadaan sa tapat ng iyong bahay at sisigaw ng ”kamote-
que!” O kaya naman ay ikaw ang lumalapit sa nagbebenta at bibili ka nitong ”kamote-
que”. Bakit ko nga ba itinatanong ito? Aba! Kung hindi mo nalalaman, iyan ang paborito kong – hindi pagkain ha – salita. ’Ano raw,’ kamo? Oo, maituturing ko ngang isang paboritong salita ang salitang ”kamote”. Kung ako’y iyong kasama, naku madalas mo nga itong maririnig galing sa bibig ko – magulat man ako, mainis, mabagabag o sumaya nang todo. Minsan ay nagagawa ko na nga itong panlarawan o pangngalan na hindi mo naman maintindihan. Halimbawa ay ang simpleng ”Kamote ka!” o ”Ang-kamote naman ng ginawa mo.” At sa kung anu-ano pang bagay na iyong maaaring mapalagay.
Ang salitang ”kamote” ay maitatawag ninyo na ngang expression ko. Ito ay simple, at nakakatuwa; bagama’t may mga tao rin namang nagsasabi na ito’y hindi kaayaaya sa pandinig. Mabuti nang ito ang aking expression, kaysa sa mga kabastusan na salita; at iyong mga masasamang salita. Ang mga iyon ang aking iniiwasan sapagkat ang mga ito ang tunay na hindi kaayaya sa ating pandinig.
Nakakatuwa ring madiskubre na ang Tagalog na salitang ”kamote” ay hinango mula sa Espanyol na ”camote”. Ayon sa http://www.wordreference.com/es/en/translation.asp?spen =CAMOTE, ang depenisyon nito ay sweet potato, na siya rin namang Ingles ng ”kamote”. Hindi nga naman nalalayo ang mga salita sa isa’t isa, dahil sa mahigit kumulang tatlong daang tao na pagkakakolonisa sa Pilipinas ng Espanya, ito ay nasalin na sa ating Wikang Filipino at sa baybayin nito. Halimbawa ng mga ganitong salita ay ang kutsara na hango sa ”cuchara”, bintana hango sa ”ventana”, at kabayo hango sa ”caballo”. Isang dagdag kaalaman lamang na ang pagbigkas ng mga Espanyol sa magkasunod na letrang ’el’ ay katunog ng letrang ’way’. Kung kaya’t ganoon na lamang ang ating pagkahango ng salitang ”caballo”.
Hindi ka ba nagtataka kung bakit sikat ang kasabihang ”Nangamote ako sa test?” Masaya ring isipin kung bakit nga ba kamote ang ginamit na simbolo sa talinghaga. Sa Pilipinas, maliit ang mga kamote at ang mga ito ay hugis bilog. Ginagamit ang talinghagang ito upang iparating na ”Mababa ang grado ko sa test,” o kaya ”Bumagsak ako.” Kahalintulad din ng kamote ang itlog ar kamatis na pareho ring ginagamit ng mga Pilipino sa ganito konsepto. Ang ibigsabihin ng talinghaga ay ang isang taong iyon ay naging talunan sa kung anumang kanyang sinubok.
Dahil sa aking expression, marami na naman akong natutunan. Kaya nga ba paborito ko ang salitang kamote.
ano to??3:58 PM
<- back to entry^_^
*-----.o(=3)-----*