kwento ng bata
Sunday, January 08, 2006
TULA - Anonymous
Ewan KoNang una kang makita, parang wala langIka'y estudyanteng kaklase ko lamangTaong laging kasama sa klaseng bilangDinidinig turo ng ginoo't ginangSa pagsagot ng tanong ng mga itoKahit mga sagot 'di naman kumpletoKasama sa tawana't kakulitan moAt ng ibang mga kaklaseng magulo.Habang lumilipas taong sinusundan'Kaw ay nang-aasar, kinakakulitanAno'ng turing sa'yo, sa anong paraan?Kaklase nga lang ba, pinag-iisipan.Ang pang-aasar ay hindi alintanaNapapasaya pa nga at natutuwaNgayon, kung ako'y tumingi't tumingalaSa'yo, may damang ako'y walang hinuha.Ngayon, 'di lang sa klasrum 'ka'y napapansinMaski sa kantina t'wing walang aralinAng mga paa ko, san man ako dalhinIka'y 'di nawawala sa'king paninginMasaya ako, nakakausap na kitaSa biruan at sa usapang magandaNalama'ng mga bagay, minsa'y 'di punaEwan ko. Ang tingin sa'yo, ano nga ba?Natutuwa ako, ako'y pansin mo paNatut'wa rin ako 'pag 'ka'y nakikitaAkala'y may interes ka, wala palaDahil nalamang may ibang sinisinta.-Anonymous
ano to??6:55 PM
(0)
comments
*-----.o(=3)-----*
|