. . . i am a flower quickly fading... here today and gone tomorrow... ;
precious moments
Free Website Counter
Free Website Counter

kwento ng bata

Wednesday, March 25, 2009

Unang RANT ko ba to sa blog? HAHAHA!

I think so, at least sa multips. Congratulate me! XD Congrats mich!
Here goes:

UGH. I hate this. May maga na naman ako sa mata. sa KABILANG mata naman! wala pa ngang isang buwan ang nakakalipas nung humupa ung first time ko eh. RAR. Uso?
IPIS tantanan mo na ako pwede?!

-Panget pa WRONG TIMING kasi bukas ay may bonggang bonding ang mga kabaklaan at bonggang studio picture taking.. HUHU..T_T Mga bakla??? how bout me? :'(

-Tapos sa Sabado ay ang bonggang GTP!! (Graduation and Turnover Party ng ENCM-UP) huhu. Speaking of GTP, wala pa akong isusuot..! hehehe.:o

-Sa umaga nga pala ng Sabado ay ang huling Dance Training ng PA para sa school year..! Kung masakit pa rin ito, mlamang hindi ako makasayaw.:(( (pero sana wala siya by saturday!!)

-AT Shempre, ayaw ko siyang makaabala sa ACADS ko. wah. i have to do a whopping 90-point Essay Type Take-Home Exam on Linggwistik 1, with 30pts each question(!) due Friday. LURLUR.. and also on Friday a Final Exam on Arkiyoloji 1, na puro READINGS Readings Readings..>.<

-Ansakit din sa mata ng nakikita ko sa CRS. "300+ demand: 0 slots" at lalo ang 0 UNITS! wala akong nakuhang subjek.:( Sana na lang matanggap ako sa e-prerog! Math 55 and ES 11 here i come! yeh!

-Isama na pala natin sa acads ang Math 54 Finals ko sa monday March 30 at Econ 100.1 finals sa thurs Apr 2. Sana makapag-aral ako ng bonggz. Sana naman by that time wala na itong "maga" ano? kumusta naman yun. -_- [tapos biglang meron ulit next week? uso ba? o_O]

-Isa pa, wala na/pa akong funds para sa Leaders' Camp, at due na siya Friday. Im not even sure if i can make the first 100. And i don't know where or to whom i could solicit.. :(

-Last na. i appreciate you, know that my friendship's just here. you'll just have to grab it when you need/want to. okay na ako ok?! [pwede nang ibang topic OK?!]

Kasalanan itong lahat ng IPIS. I HEYCHU!


ano to??12:37 PM
(5) comments

*-----.o(=3)-----*

Monday, March 16, 2009

Different Names ^_^

I got this from belle maramba. wala lang din. natuwa ako eh. hehe! :D


1. YOUR REAL NAME:

--- Michelle Anne Abunado Barcenas

2. YOUR GANGSTA NAME (first 3 letters of real name plus izzle):

--- Micizzle (how do you pronounce it? pwdeng "mishizzle" Lol.)

3. YOUR DETECTIVE NAME (fave color and fave animal):

--- Red Cat!

4. YOUR SOAP OPERA NAME (middle name, and current street name):

--- Abunado Thaddeus

5. YOUR STAR WARS NAME (the first 3 letters of your last name, first 2 letters of your first name, last 3 letters of mom's maiden name):

--- Barminas (n is supposed to be "enye". hehe)

6. YOUR SUPERHERO NAME (2nd favorite color, favorite drink):

--- White Water

7. YOUR ARAB NAME (2nd letter of your first name, 3rd letter of your last name, any letter of your middle name, 2nd letter of your moms maiden name, 3rd letter of you dads middle name, 1st letter of a siblings first name, last letter of your moms middle name):

--- Iruidao (sounds arab ba? Xp)

8. YOUR WITNESS PROTECTION NAME (mothers middle name):

--- Abunado

9. YOUR GOTH NAME (black, and the name of one your pets):

--- Black Hodge (well, wala kaming pets so yung isa ko na lang stuffed bear.)

haha.^_^



ano to??6:56 PM
(0) comments

*-----.o(=3)-----*


My Love Languages Oh . .!

got this from tita jainy's blog. hehe.:)

hmm... agree ako na time person ako. ayun, feel ko nga lahat ng lima eh..! kaya ayan nirank na tuloy ng sarbey.. LOL.XD comments?


The Five Love Languages

My primary love language is probably
Quality Time
with a secondary love language being
Words of Affirmation.

Complete set of results

Quality Time: 8
Words of Affirmation: 7
Receiving Gifts: 6
Physical Touch: 5
Acts of Service: 4


Information

Unhappiness in relationships, according to Dr. Gary Chapman, is often due to the fact that we speak different love languages. Sometimes we don't understand our partner's requirements, or even our own. We all have a "love tank" that needs to be filled in order for us to express love to others, but there are different means by which our tank can be filled, and there are different ways that we can express love to others.

Take the quiz


ano to??5:02 PM
(0) comments

*-----.o(=3)-----*


Featuring Kamote. . .

~~Hahaha. chobang paper ko 'to 1st yr 2nd sem sa Komunikasyon 1, kay Sir Alwin Aguirre.:) Nakakatawa lang. XD Sikat ba ang kamote?? wala lang...

Madalas mo bang marinig ang salitang “kamote”? Siguro madalas ay may naglalakong mga bata o matatanda, dadaan sa tapat ng iyong bahay at sisigaw ng ”kamote-que!” O kaya naman ay ikaw ang lumalapit sa nagbebenta at bibili ka nitong ”kamote-que”. Bakit ko nga ba itinatanong ito? Aba! Kung hindi mo nalalaman, iyan ang paborito kong – hindi pagkain ha – salita. ’Ano raw,’ kamo? Oo, maituturing ko ngang isang paboritong salita ang salitang ”kamote”. Kung ako’y iyong kasama, naku madalas mo nga itong maririnig galing sa bibig ko – magulat man ako, mainis, mabagabag o sumaya nang todo. Minsan ay nagagawa ko na nga itong panlarawan o pangngalan na hindi mo naman maintindihan. Halimbawa ay ang simpleng ”Kamote ka!” o ”Ang-kamote naman ng ginawa mo.” At sa kung anu-ano pang bagay na iyong maaaring mapalagay.


Ang salitang ”kamote” ay maitatawag ninyo na ngang expression ko. Ito ay simple, at nakakatuwa; bagama’t may mga tao rin namang nagsasabi na ito’y hindi kaayaaya sa pandinig. Mabuti nang ito ang aking expression, kaysa sa mga kabastusan na salita; at iyong mga masasamang salita. Ang mga iyon ang aking iniiwasan sapagkat ang mga ito ang tunay na hindi kaayaya sa ating pandinig.


Nakakatuwa ring madiskubre na ang Tagalog na salitang ”kamote” ay hinango mula sa Espanyol na ”camote”. Ayon sa http://www.wordreference.com/es/en/translation.asp?spen =CAMOTE, ang depenisyon nito ay sweet potato, na siya rin namang Ingles ng ”kamote”. Hindi nga naman nalalayo ang mga salita sa isa’t isa, dahil sa mahigit kumulang tatlong daang tao na pagkakakolonisa sa Pilipinas ng Espanya, ito ay nasalin na sa ating Wikang Filipino at sa baybayin nito. Halimbawa ng mga ganitong salita ay ang kutsara na hango sa ”cuchara”, bintana hango sa ”ventana”, at kabayo hango sa ”caballo”. Isang dagdag kaalaman lamang na ang pagbigkas ng mga Espanyol sa magkasunod na letrang ’el’ ay katunog ng letrang ’way’. Kung kaya’t ganoon na lamang ang ating pagkahango ng salitang ”caballo”.


Hindi ka ba nagtataka kung bakit sikat ang kasabihang ”Nangamote ako sa test?” Masaya ring isipin kung bakit nga ba kamote ang ginamit na simbolo sa talinghaga. Sa Pilipinas, maliit ang mga kamote at ang mga ito ay hugis bilog. Ginagamit ang talinghagang ito upang iparating na ”Mababa ang grado ko sa test,” o kaya ”Bumagsak ako.” Kahalintulad din ng kamote ang itlog ar kamatis na pareho ring ginagamit ng mga Pilipino sa ganito konsepto. Ang ibigsabihin ng talinghaga ay ang isang taong iyon ay naging talunan sa kung anumang kanyang sinubok.


Dahil sa aking expression, marami na naman akong natutunan. Kaya nga ba paborito ko ang salitang kamote.



ano to??3:58 PM
(0) comments

*-----.o(=3)-----*

mich, michi, michelle, chelle, barci                            aka. seniorita lakwatsera                                          oct28 90
                              sta.mesa, manila                                nova, qc                                red, red, red
pisay                            eme07                         rosal o7                       truth07                      sodium2k7          
         astrosoc                                  laab                JESUS FREAK                     soccer                 intern05-07
bowling                             basketball                             ACTS                 softball                             table tennis
                    sayaw                                             kanta                                            laro
             internet                             chat                             VisComm                                            lakwatsa
                                                                       mich_tob@yahoo.com