Wednesday, March 25, 2009
Unang RANT ko ba to sa blog? HAHAHA!
I think so, at least sa multips. Congratulate me! XD Congrats mich!
Here goes:
UGH. I hate this. May maga na naman ako sa mata. sa KABILANG mata naman! wala pa ngang isang buwan ang nakakalipas nung humupa ung first time ko eh. RAR. Uso?
IPIS tantanan mo na ako pwede?!
-Panget pa WRONG TIMING kasi bukas ay may bonggang bonding ang mga kabaklaan at bonggang studio picture taking.. HUHU..T_T Mga bakla??? how bout me? :'(
-Tapos sa Sabado ay ang bonggang GTP!! (Graduation and Turnover Party ng ENCM-UP) huhu. Speaking of GTP, wala pa akong isusuot..! hehehe.:o
-Sa umaga nga pala ng Sabado ay ang huling Dance Training ng PA para sa school year..! Kung masakit pa rin ito, mlamang hindi ako makasayaw.:(( (pero sana wala siya by saturday!!)
-AT Shempre, ayaw ko siyang makaabala sa ACADS ko. wah. i have to do a whopping 90-point Essay Type Take-Home Exam on Linggwistik 1, with 30pts each question(!) due Friday. LURLUR.. and also on Friday a Final Exam on Arkiyoloji 1, na puro READINGS Readings Readings..>.<
-Ansakit din sa mata ng nakikita ko sa CRS. "300+ demand: 0 slots" at lalo ang 0 UNITS! wala akong nakuhang subjek.:( Sana na lang matanggap ako sa e-prerog! Math 55 and ES 11 here i come! yeh!
-Isama na pala natin sa acads ang Math 54 Finals ko sa monday March 30 at Econ 100.1 finals sa thurs Apr 2. Sana makapag-aral ako ng bonggz. Sana naman by that time wala na itong "maga" ano? kumusta naman yun. -_- [tapos biglang meron ulit next week? uso ba? o_O]
-Isa pa, wala na/pa akong funds para sa Leaders' Camp, at due na siya Friday. Im not even sure if i can make the first 100. And i don't know where or to whom i could solicit.. :(
-Last na. i appreciate you, know that my friendship's just here. you'll just have to grab it when you need/want to. okay na ako ok?! [pwede nang ibang topic OK?!]
Kasalanan itong lahat ng IPIS. I HEYCHU!
ano to??12:37 PM
(5)
comments
*-----.o(=3)-----*
Monday, March 16, 2009
Different Names ^_^
I got this from belle maramba. wala lang din. natuwa ako eh. hehe! :D
1. YOUR REAL NAME:
--- Michelle Anne Abunado Barcenas
2. YOUR GANGSTA NAME (first 3 letters of real name plus izzle):
--- Micizzle (how do you pronounce it? pwdeng "mishizzle" Lol.)
3. YOUR DETECTIVE NAME (fave color and fave animal):
--- Red Cat!
4. YOUR SOAP OPERA NAME (middle name, and current street name):
--- Abunado Thaddeus
5. YOUR STAR WARS NAME (the first 3 letters of your last name, first 2 letters of your first name, last 3 letters of mom's maiden name):
--- Barminas (n is supposed to be "enye". hehe)
6. YOUR SUPERHERO NAME (2nd favorite color, favorite drink):
--- White Water
7. YOUR ARAB NAME (2nd letter of your first name, 3rd letter of your last name, any letter of your middle name, 2nd letter of your moms maiden name, 3rd letter of you dads middle name, 1st letter of a siblings first name, last letter of your moms middle name):
--- Iruidao (sounds arab ba? Xp)
8. YOUR WITNESS PROTECTION NAME (mothers middle name):
--- Abunado
9. YOUR GOTH NAME (black, and the name of one your pets):
--- Black Hodge (well, wala kaming pets so yung isa ko na lang stuffed bear.)
haha.^_^
ano to??6:56 PM
(0)
comments
*-----.o(=3)-----*
My Love Languages Oh . .!
got this from tita jainy's blog. hehe.:)hmm... agree ako na time person ako. ayun, feel ko nga lahat ng lima eh..! kaya ayan nirank na tuloy ng sarbey.. LOL.XD comments?The Five Love Languages
My primary love language is probably
Quality Timewith a secondary love language being
Words of Affirmation.
Complete set of results
Quality Time: | | 8 |
Words of Affirmation: | | 7 |
Receiving Gifts: | | 6 |
Physical Touch: | | 5 |
Acts of Service: | | 4 |
Information
Unhappiness in relationships, according to Dr. Gary Chapman, is often due to the fact that we speak different love languages. Sometimes we don't understand our partner's requirements, or even our own. We all have a "love tank" that needs to be filled in order for us to express love to others, but there are different means by which our tank can be filled, and there are different ways that we can express love to others.
Take the quiz
ano to??5:02 PM
(0)
comments
*-----.o(=3)-----*
Featuring Kamote. . .
~~Hahaha. chobang paper ko 'to 1st yr 2nd sem sa Komunikasyon 1, kay Sir Alwin Aguirre.:) Nakakatawa lang. XD Sikat ba ang kamote?? wala lang...Madalas mo bang marinig ang salitang “kamote”? Siguro madalas ay may naglalakong mga bata o matatanda, dadaan sa tapat ng iyong bahay at sisigaw ng ”kamote-
que!” O kaya naman ay ikaw ang lumalapit sa nagbebenta at bibili ka nitong ”kamote-
que”. Bakit ko nga ba itinatanong ito? Aba! Kung hindi mo nalalaman, iyan ang paborito kong – hindi pagkain ha – salita. ’Ano raw,’ kamo? Oo, maituturing ko ngang isang paboritong salita ang salitang ”kamote”. Kung ako’y iyong kasama, naku madalas mo nga itong maririnig galing sa bibig ko – magulat man ako, mainis, mabagabag o sumaya nang todo. Minsan ay nagagawa ko na nga itong panlarawan o pangngalan na hindi mo naman maintindihan. Halimbawa ay ang simpleng ”Kamote ka!” o ”Ang-kamote naman ng ginawa mo.” At sa kung anu-ano pang bagay na iyong maaaring mapalagay.
Ang salitang ”kamote” ay maitatawag ninyo na ngang expression ko. Ito ay simple, at nakakatuwa; bagama’t may mga tao rin namang nagsasabi na ito’y hindi kaayaaya sa pandinig. Mabuti nang ito ang aking expression, kaysa sa mga kabastusan na salita; at iyong mga masasamang salita. Ang mga iyon ang aking iniiwasan sapagkat ang mga ito ang tunay na hindi kaayaya sa ating pandinig.
Nakakatuwa ring madiskubre na ang Tagalog na salitang ”kamote” ay hinango mula sa Espanyol na ”camote”. Ayon sa http://www.wordreference.com/es/en/translation.asp?spen =CAMOTE, ang depenisyon nito ay sweet potato, na siya rin namang Ingles ng ”kamote”. Hindi nga naman nalalayo ang mga salita sa isa’t isa, dahil sa mahigit kumulang tatlong daang tao na pagkakakolonisa sa Pilipinas ng Espanya, ito ay nasalin na sa ating Wikang Filipino at sa baybayin nito. Halimbawa ng mga ganitong salita ay ang kutsara na hango sa ”cuchara”, bintana hango sa ”ventana”, at kabayo hango sa ”caballo”. Isang dagdag kaalaman lamang na ang pagbigkas ng mga Espanyol sa magkasunod na letrang ’el’ ay katunog ng letrang ’way’. Kung kaya’t ganoon na lamang ang ating pagkahango ng salitang ”caballo”.
Hindi ka ba nagtataka kung bakit sikat ang kasabihang ”Nangamote ako sa test?” Masaya ring isipin kung bakit nga ba kamote ang ginamit na simbolo sa talinghaga. Sa Pilipinas, maliit ang mga kamote at ang mga ito ay hugis bilog. Ginagamit ang talinghagang ito upang iparating na ”Mababa ang grado ko sa test,” o kaya ”Bumagsak ako.” Kahalintulad din ng kamote ang itlog ar kamatis na pareho ring ginagamit ng mga Pilipino sa ganito konsepto. Ang ibigsabihin ng talinghaga ay ang isang taong iyon ay naging talunan sa kung anumang kanyang sinubok.
Dahil sa aking expression, marami na naman akong natutunan. Kaya nga ba paborito ko ang salitang kamote.
ano to??3:58 PM
(0)
comments
*-----.o(=3)-----*
Sunday, November 09, 2008
HELL NO!
Heaven or Hell?
These are some people asked about two questions about this. Here are the links:
First Question:
http://www.youtube.com/watch?v=W13qsLbDBTU
Second Question:
http://www.youtube.com/watch?v=YKHC5QiXP90
Interested? If you don't know what to answer; Or if you too have questions -- Find out the answers in this 2-part series HELL NO!
"Wanna know how real Hell is?
Wanna know where it is?
Find out the answers!"HELL NO! SERIES @ THE U.P. Film Institute!
November 14 and 21 (Fridays)
6PM-730PMBring your friends! This is really interesting! :D
FREE Admission nga pala 'to! :)
ano to??4:32 AM
(0)
comments
*-----.o(=3)-----*
Ten-Pin Bowling
Hi po! Tanong ko lang kung bukas ba, sa first meeting ng Monday Ten-Pin Bowling, ay sa Ever Bowling Center na magmimeet o somewhere pa sa UP Gym? Thank you!
At kung ten-pin ka rin at 8am-10am ang class mo, classmates tayo! wiiiii.. hehe =)
ano to??4:17 AM
(0)
comments
*-----.o(=3)-----*
Wednesday, October 15, 2008
CRS ROCKS! [Part 3]
Sa Part 1, medyo na-all caps at bold ko ang salitang "
TOPAK" <--katulad niyan. XD [hindi ba kayo natutuwa sa Tagalog slang na yun. Another word daw for "sumpong".hohoho.]
OK NOW. Eto lang. TOPAK = DELAY.
Alam naman nating lahat na hard work din ang pagprocess, and we expect them to finish within 24 hours. Ako 'di ko talaga alam kung gaano katagal yun ginagawa. Malay ninyo matagal talaga siya. Pero kasi, nagbigay ang CRS ng petsa ng resulta tapos hindi naman pala matutupad. Kaya lang din naaasar ang mga pipol. haha.
Alam din naman natin na kaya rin bumabagal ang pag-access sa site ay dahil sa dami ng users na naglolog-in. Kaya tayu-tayo lang din nang-aasaran. Haha. Dahil excited tayo na makita ang results, maglolog-in tayo kaagad pagkatapos ng run. Ganun din kapag malapit na magsara ang pre-enlistment, maraming naglalast minute o kaya nagdodouble check. Nako-compress tuloy ang students sa paggamit ng CRS sa magkabilang dulo ng preenlistment period.
**Wala akong stats dito or whatsoever. Naisip ko lang.:o Base lang po sa opinyon at experience. hehe. Noong Oct 4 o 5 ako nag-enlist. Hindi mabagal, No sweat ang pre-enlistment! Na-experience ko rin ang super bagaaaal na pag-access right after maging active ulet ang preenlistment module. :))
Wala akong sama ng loob, baka akalain ninyo. I actually commend the CRS Team for their hard work. They make lives of us students easier really with this online preenlistment. Kung ikukumpara mo sa noon, saan ka? Hindi ba "mas hindi" nakakapagod kung uupo ka na lang sa harap ng computer mo, kaysa sa pumila para sa manual preenlistment? Kahit random, at hindi lahat pinapalad, at pipila pa rin para sa epreenlist or eprerog, nabawasan naman ang hirap eh.
Huwag din nating balewalain na ginagawa ng CRS Team ang makakaya nila para maimprove ang methods o sistema ng CRS. Katulad ng Ranking scheme. Makakatulong ito sa pagpaprioritize ng subjects at pag-aayos ng schedule natin. Sa pagkakaintindi ko doon, automatic na binubura ang mga subjects na may conflict at may masmababang ranking sa oras na mabigay ang subject na may mataas na ranking. Sa tingin ko advantage rin ito ng CRS team kasi less work. May mga estudyante rin naman kasing pasaway na minsan nag-eenlist ng hindi naman nila talaga kailangan. haha. "Give them a break". Nagsusumikap din silang mapabuti at mapadali ang mga buhay-buhay natin. (Hahaha.:P)
So, salutes to the CRS Team! :)
ano to??12:39 PM
(0)
comments
*-----.o(=3)-----*
CRS ROCKS! [Part 2]
i need your opinions po about my GE's.
please click the link:
http://michbalistik.multiply.com/journal/item/22/CRS_ROCKS_Part_2Thanks!
ano to??5:34 AM
(0)
comments
*-----.o(=3)-----*
CRS ROCKS! [Part 1]
http://michbalistik.multiply.com/journal/item/21/CRS_ROCKS_Part_1Hay nako, si
CRS talaga..isa sa mga bespren ko.
Kilalang-kilala niyan ako (alam pa zipcode namen!), pinagkakatiwalaan kong itago sikreto ko, thoughtful at mapagbilin, at kapag may hiningi ako binibigay niya. Minsan nga lang may
TOPAK. Pero mahal ko pa rin siya, dahil sa huli, it all works out well. Hahaha.
Madami na kaming pinagdaanan. Nung una pa kaming nagkakilala one and a half years ago, super bait pa niya sa akin, binigay niya lahat ng kailangan ko. Salamat. Nagkaroon din naman ng panahon na minsan na lang kami magpansinan. 'Di ko naman siya masisisi kasi kasalanan ko ring hindi ko siya binibisita. Nagtatampo rin siguro kasi minsan di umiimik kapag binabati ko. May pagkakataon din na dahil pa sa kanya, muntik na akong layuan ng iba ko pang kaibigan. Pero buti naman mabait sila (sorry guys, aylabyu! :c) at nakakarelate din sila sa amin ni CRS. :)) Just like I said, all works out well in the end.
Ngayong WAVE ng aming friendship, napamalas talaga niya sa akin ang pagiging thoughtful niya. Tinuruan niya akong mag-prioritize ng mga bagay-bagay sa buhay ko at tinulungan din akong mag-ayos ng mga alitan o kaguluhan. Salamat. Ngayon kahit may pagkukulang pa siya,
SAPAT na ang lahat ng mga naipagkaloob niya sa akin. Napakabuti niya nga dahil wala siyang hinihinging kapalit. Salamat.
I LOVE YOU CRS <3.:D
ano to??5:20 AM
(0)
comments
*-----.o(=3)-----*
CRS ROCKS! [Part 2]
Based on true story yung Part 1 ah. X))))
Anyway, eto na yung enlisted classes ko:
Econ 100.1
ES 26, ES 11
Arkiyoloji 1
Lingg 1
PE2 Ten Pin Bowling :D
Kailangan ko pa ng:
Math 55 at CWTS 2 MMME. Anlabo talaga ng cwts.
250 ang slots niya at less than
200 pa lang ang nakaenlist sa kanya pero di ko nakuha. What's up with that? Haha.Xp
**Question po pala, please feel free also to express your opinions: Compare and Comment about
Arkiyoloji 1 and
Lingg 1 (Level of difficulty, requirements, unoable, prof factor?). And should you choose only one, which would you pick and why? (Haha. May ganun? Salamat sa pagsagot! EMILITA CRUZ nga pala prof ko sa Lingg 1, sa Arkiyo 1 TBA.)
So far, bago ko magpost ng blog,
Lingg 1: 1 point.
Arkiyo 1: 2 points.
Thanks! ^_^ God bless to all!
ano to??5:05 AM
(0)
comments
*-----.o(=3)-----*
Monday, October 13, 2008
Emo. Insensitive.
Sabi ni Emo: Ay bakit ba kasi ganito ang buhay? Bakit pa ba ako nandito sa mundong ibabaw? Wala namang nagmamahal sa akin.
Sabi ni Insensitive kay Emo: Ikaw kasi, bakit ka pa nagtatanong ng ganyan? Itago mo na lang. Wala naman talagang nagmamahal sa'yo.
Sa bandang huli nalaman nilang, iisang nilalang lang pala sila. Schizo.
ano to??7:18 PM
(0)
comments
*-----.o(=3)-----*
Sunday, October 12, 2008
Weight Training FUN! :) basahin nyo! ;D
So this is not something to brag nor to complain about. >_<
I took
WEIGHT TRAINING this first sem, and i gained 4 cm on my legs (calf) and 3cm on my arms (bicep). at least if these are accurate.
At the beginning of the sem there's a pre-test, measuring the arms and legs. then how many push-ups and abdominal crunches in 30 seconds. at the end there's a post-test (doi.) i don't know bout you, but my push-ups increased from only 10 to 17 and sit-ups from 24 to 36. haha.:)
I really can't brag or something coz i can't compare myself to anyone, those are just numbers. we can't evaluate a person with them. and i can't complain just because i got bigger. [although i wish i could've lost some cm at other parts also.Xp] althemore i'm happy because i gained strength to do and practice more dance ministry stunts and stuff!XD sabi nga ni jared, "ayaw mo nun, lumakas ka?" yey.:D hehe.
But i'm also a girl, right? haha. im big enough as it is, i want to be fit! >.< eeeeeniweyz.
I just want to
ENCOURAGE you guys who want to tone up your muscles and be stronger, magweight training na! plus it's fun, once you try it. =)
Also, i'm thankful i gained knowledge of such activity. I now know the routine, exercises for each part of the body: biceps, triceps, chest, shoulders, legs, back and abnomen; what to do when you hear the terms peck deck, bench flie, tricep dips, back lateral pulldown, etc.
I want to share some
BENEFITS and MISCONCEPTIONS about weight traning.
Yes, lecture ang first day ng weight training. haha.^__^
BENEFITS of WEIGHT TRAINING (WT):1. Tones the muscles.
2. Improves sports performance.
3. Strengthens bones {with proper form and execution} - improves posture and helps prevent osteoporosis.
MYTHS/MISCONCEPTIONS about WT:1. WT makes your muscles bigger. --Not always true. For males, muscles do get bigger because of testosterone. But for females, they don't. they form and improves in shape because of estrogen.
2. You won't get taller. --WT does not prevent you to increase in height. In short, walang konek.
3. WT makes a woman unfeminine. --mehn?. not true, many women are also athletes and need to stay in shape.
4. Muscle tissues turn to fat when you stop WT. --anoraw? - muscle only return to their original [state] size or form
5. Damages bones: knees, back, etc. --this becomes true when the form is not correct, or execution is improper. therefore FORM is important.
6. WT slows a person down. -or this implies the person becomes heavier. --Ulet, walang konek. wala ring konek sa weight. In fact it's the other way around. because your muscles are toned, you can do more movement, right? ^_^
So, that's it! Go na magpreenist na sa
CRS: WEIGHT TRAINING! Extended until today, and moved ang batch processing tomorrow, monday! Malalaman ang results sa 14 na tuesday. anyway, may tatlong processing naman. :P
GOD BLESS sa ating lahat! ^____^
ano to??3:35 AM
(0)
comments
*-----.o(=3)-----*
Tuesday, September 30, 2008
Pisay Nasunog :O [Updated]
Sabi ni jilson (kung sino pang nasa Canada eh noh?) na sabi rin ni sir petri sa kanya. :P tapos ginoogle ko, nahanap ko ang blog ng Cesium batch 2010, so reliable naman siya -- posted just today 30 sept. hahaha.
quote: "Walang pasok today since nasunog yung front lobby part ng SHB."
source: http://cs2010.wordpress.com/
wala pa ako talagang balita, yun lang. haha.
naku, pisay students, perio niyo pa naman..good luck sa inyo! :P
[edit/update from my post to pisay diliman group.Xp]
I hope everything's fine, it's even their perio week this week, TThF. Good luck to the students!
Let's pray that nobody's hurt and that any damage will be restored and even be renewed soon (improved front lobby. hehe), and that provision and funds will come. :D
Update our beloved school eh? :D
ok so UPDATE. :D Thanks to Ms. Kyla Salamanca, see her blog:
http://kylitakinse.multiply.com/journal/item/221Matapos ang mga pagpapalagay: sabi raw sa balita, ang nagdulot ng sunog ay -- KISAME? sa iba naman, water dispenser daw? haha. at mga pagsasapantahang nasunog ang library (the books?!o_O), registrar, guidance office (ung records?T_T), faculty center, ssd, cisd, pshs foundation, property office, journ room, at gallery/museum. Hindi naman pala buong 2nd floor. Xp
[insert] Kakarinig ko lang sa radyo, sa kisame nga raw (suspected) nanggaling yung sunog. maybe sa ilaw? wirings? short cicuit? hehe. 1am nagstart, and it lasted for 1 and a half hours. >.<. wala silang pasok.
Faculty center lang, at nasama raw sa sunog yung test papers.. wahaha.>_<
And it occurred early in the morning, madaling-araw daw. kaya mabuti wala namang nasaktan. *relieved. So supposed to be perio, BUT. XD
ayun, mahirap din makarecover dun ah, kumusta naman yung teachers natin?? :( pano yung materials nila, papers and projects ng students, what if di pa nila yun nagegradan, o kaya yung kopya ng grades nasama sa sunog? >o<. shucks..choba. ngayon ko lang naisip habang tinatayp ko. magsusuffer din ang students. SAD.=( pati yung past projects natin..naalala ko yung relief map ng philippines na ginawa ng sodium, at yung mga kung anumang cute na artworks.:(
Pagpray na lang natin na mabalik sa normal ang things - soon, kasi apektado lahat eh, students, teachers, staff and admin alike. hay. We could also offer any kind of help kung pwede. hehe.
ano to??8:33 AM
(0)
comments
*-----.o(=3)-----*